
Birthday dinner kahapon ng isa sa mga pinaka-mabuti kong kaibigan at iyan ang regalo ko sa kaniya: Isang mamon at dalawang lollipop. Ang cheap no?
Sa mga madalas na nagbabasa ng blog na ito at updated sa mga latest happenings ng buhay ko, alam niyo nang kaka-resign ko lang sa trabaho ko at huling araw ko na nung Huwebes. Kung ang ibang tao ay nag-iipon muna nang bonggang bongga bago sila mag-submit ng resignation letter, ay iba naman ako. Biglaang desisyon ang sa akin at ni wala akong ipon bago ako umalis. Sa totoo nyan, mas malaki pa ang amount na nakalagay sa credit card bill ko kaysa sa mismong pera ko sa bangko. O pighati!
Kaya naman nung nalaman ko na magce-celebrate ng birthday kahapon ang isa sa mga closest kong kaibigan ay medyo nataranta ako. Binuksan ko kasi wallet ko: Walang laman. Kinalikot ko yung pantalon na suot ko kahapon at nakakita ng P20. Tapos pinabili ko pa ng coke sa maid namin kaya’t P13.00 na lang ang natira sa pera ko. Hindi man lang sapat para makalabas ng subdivision namin.

Tapos nalaman ko pang sa Teriyaki Boy kami kakain sa gabing iyon at KKB ang mangyayari. Good luck naman diba. Medyo may kamahalan dun pero sige keri na. Naisip ko na pinaka-importante ay makaabot muna ako sa Ayala at magwi-withdraw na lang ako pagdating doon, kaya’t pinapunta ko ang maid namin sa tindahan at pinautang ko ng P30.00 para makapag-commute ako.
Pagdating ko sa may Ayala ay nag-withdraw na ako. Sapat na naman siguro ang P500.00 para sa gabing iyon. Maaga akong nakarating, 6:45 PM tapos ang mismong dinner ay 8:00 PM. Wala pa yung ibang mga kasama ko tapos nagugutom na ako kaya’t naisip kong bumili muna ng tinapay sa Bread Talk. Dapat dalawang tinapay lang bibilhin ko kaso adik kasi, hindi ko matiis ang masasarap na tinapay dun kaya’t napagastos. P360.00 na lang ang natira sa pera ko. Minura ko na naman sarili ko dahil ang gastos ko talaga.
Naisip kong magpalipas na lang ng oras sa Powerbooks sa Greenbelt. Sa awa ng Diyos ay hindi ako napagastos kahit na kating-kati ako bumili ng mga art books nun. Nung malapit na ang 8:00 ay dumeretso na ako sa teriyaki Boy at nagpa-reserve na ng upuan dahil, as usual, ako ang naunang dumating.
At isa-isa nang dumating ang mga kaibigan ko. Binati ako ni Jgo ng “Bakit yan ang suot mo?! Mukha kang batang yagit! Buti naka-fedora ka! Hahaha.“, “Sorry naman teh” ang sabi ko. “Folded & Hung naman to ah at favorite ko kaya ‘tong shirt na to. Wala na. Iba na ang nararamdaman ko.” Tanggap ko na naman na taghirap ako diba, pero maayos pa din naman ang suot ko. Dinala ko na lang sa accessories. Hahaha.
Um-order na kami. Kinuha ko yung paborito kong Philly Cheese Steak Maki (P175.00), Chicken Choyou Ramen (P160.00), at Bottomless Iced Tea (P45.00). O diba, over-exceed na sa budget? Ang saya saya! Naisip kong mag-withdraw na lang ulit pagkatapos.


Nag-abutan na rin ng regalo at pramis hiyang-hiya ako sa ibibigay ko pero keme na! Originally, yung lollipop lang talaga ang ibibigay ko pero nung binuksan ko yung bag ko at kumuha na rin ako ng isang tinapay galing Bread Talk. “Sensya na ha. May kagat na kasi yung iba eh.” sabi ko habang inabot kay Joanah. Tapos nun ay humirit ako ng “But wait! There’s more!” sabay abot ng lollipop. Hehehe.
Nang tumagal ay dumating na din si Sir Randy (ang tinuring kong ama noong nasa College ako dahil bukod sa mga payo at tulong niya sa mga drama ko sa buhay ay nililibre niya ako tuwing wala akong pera.) at nilibre pa niya ako ng Yogato. Tapos nung dumating ang bill ay binayaran din ng aking mga mabubuting kaibigan ang ilang part ng bill ko. Hehehe. Binigyan pa ako ni Joanah ng P50.00 para makauwi ako. O diba, siya na ang may birthday sa lagay na yan! Hehehe.
In fairness, naging masaya ang gabing iyon. Mabenta kasi ang humor ko in real life eh. Hehehe. Konti lang kami dahil “busy” daw ang iba naming mga friends at medyo short notice lang talaga ang dinner na iyon. Pero iba talaga kapag mga kaibigan mo ang kasama, kahit wala ka nang pera ay parang mayaman ka pa din.






























17 REPLIES
Gusto ko rin ng lollipop! haha.
Wow, tagalog! hehe .Frienships, friends, frends. Madami din ako niyan eeh! haha.
Dork na yagit! :-D
ok sa budget ah! ganyan talaga, buhay na buhay ka pag with friends. kahit pamasahe lang dala mo hindi ka naman matitiis ng mga ‘yon. lol! isa akong leech. :))
Hahaha totoo. Sa mga panahon ngayon ay kelangan muna maging leech sa mga kaibigan. Hahaha.
adik eh, hahaha, mukang sanay na sanay ka gumastos ah :)) di ka naman tag-hirap eh, mataas lang talaga ang standard of living mo, kaya tag-hirap ang pakiramdam haha =P ganyan din kaming magkakaibigan, pag walang pera ang isa hinihila padin, ambag-ambag nalang para sa dun sa walang pera, ang importante masaya =D kaya mapalad ka kasi may mga tunay kang kaibigan :)
Huhuhu. Actually… super tipid mode na ako from now on. I’ll need to budget my money and spend it on things that I need. Hoy at hindi naman mataas standard of living ko eh… huhuhu. Sakto lang.
Pero tama ka, the best talaga ang mga kaibigan. =)
It’s the thought that counts! :))
panalo ka talaga sir Robbie.xD
baklang to! talagang i-post ang comment ko sa shirt mo??? hahahaha!:D e ndi ako kasi sanay na hindi ka maarte in terms sa pananamit! anuver! sorry na! nasaktan ka pala ng bongga! hahaha! i labsyu!!!! mwahhh!
and korak ka! mayaman ka na rin kahit mukha ka talagang dukha kagabi dahil sa love ng frienships! ahahaha! i loves you!!!! mwahhh!!!
medyo maaliwalas sa isip basahin ang entry na ito. siguro dahil Tagalog. natural na natural ang pagkaka-kwneto. Pero naisip ko, habang paulit-ulit kong binasa. May nag-iba… Feeling ko lang, masaya ang aura ng entry na ito. Oo may hardships sa pag manage ng budget atbp pero higit sa lahat, dama mo yung tunay na kaligayahan na ipinakita dito kapag nasa piling *wow! piling? common mamon!’* ng mga tunay na kaibigan at ang malasap ulit ang tunay na buhay. :)
“Ang regalong ibinigay mo sa panahong wala kang pera ang pinakamahal na regalong pwede mong maibigay sa isang tao.” –Bob Ong.
OK he didn’t really say that.
Wahahaha. Maniniwala pa naman sana ako eh. :P
… cue Garfield and friends music…
Friends are there… tetenen tetenten… tentenen tetenten…
hahaha. yun lang ang naisip ko habang binabasa ito.
galing mu bossing hehe…:)
matularan nga :)
haha ako nanag nag-back read. in fairness, iba tong entry na to. alabet
ikaw na ikaw (syempre, inassume ko lang yun)
hahaha . . . bsta barkada talaga ^_^ <3 <3 <3